Filtered by: Showbiz
Showbiz

PEP: Paolo Bediones reveals details about Survivor finale


First time na ginawa ni Paolo Bediones na todong nag-share ng blessings sa entertainment press kahapon, December 2, sa Windmills & Rainforest restaurant sa Sct. Borromeo St., Quezon City. Ito ay bilang bahagi ng kanyang year-long 10th anniversary sa showbiz. "Kasama na rin sa celebration natin ang pasasalamat ko sa entertainment press dahil naging mabait kayo sa akin sa loob ng 10 years ko sa business. Yes, may mga times na may intriga, may accusations sa akin. But still, naging mabait kayo sa akin, hindi n'yo ako pinahirapan," nakangiting wika ni Paolo. Maaga pa lamang ay nasa venue na si Paolo upang i-check ang last details ng affair. Kinuha na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon upang kausapin si Paolo nang solo. SURVIVOR UPDATE. Humingi kami kay Paolo ng update sa finale ng Survivor Philippines sa December 12 na gaganapin sa Studio 7 ng bagong GMA Network Studios sa Jamboree St., Quezon City. "Magsisilbing reunion ito ng 18 castaways," simula ni Paolo. "Sa first part, ipapakita ang eight members ng Jury at ang final two. Tinapos na naming lahat ang challenges sa Thailand at pagkatapos bumoto ng Jury, naka-seal na ang name ng winner. Hindi rin nila alam kung sino ang nanalo at kahit ako ay hindi ko alam kung sino. During the finals, a few seconds bago ko i-announce ang winner, saka ko lang malalaman kung sino ang tatanggap ng three-million cash prize. "May ipapakita rin kaming recap ng mga nangyari sa isla during the challenges. Ipapakita rin ang pagtatalo-talo ng Jury, na kinu-question nila kung bakit ‘yon ang napiling final two. It will be an emotional night dahil everyone joined for the same purpose, pero isa lang ang mananalo. "Pagkatapos ng grand finals, magte-taping na rin kami para sa reunion show na mapapanood sa Sunday, December 14. Ito naman yung reaction ng mga naunang lumabas na castaways matapos nilang mapanood kung ano ang nangyari sa show, at kung ano ang nabago sa kanila pagkatapos nilang sumali sa Survivor Philippines." Sa kasalukuyan, apat na lang ang natitirang castaways sa Survivor Philippines: sina Charis Yacapin, Cris Cartagenas, JC Tiuseco, at Rob Sy. Bilang host ng Survivor Philippines, may nabago rin ba kay Paolo? "Yes," sagot niya. "Ngayon, mas gusto ko ang simple life. Na-appreciate ko ngayon yung mga small things na hindi ko naisip na magagawa ko. It's true na maayos akong nakakatulog sa isang bunk doon, na kasama ko ang may 91 all-Filipino production crew ng show. May bathroom, may electric fan, pero walang special things dahil wala namang hotel doon. Resort ‘yon na ginamit ng mga castaways. "Doon ko na-realize na dapat ay hindi tayo mag-aspire ng mga bagay na hindi naman natin kailangan, na dapat tayong mag-share ng blessings natin sa ibang tao. Doon, nagkaroon din ako ng Bible study sa grupo. Malaki ang naitulong no'n sa amin sa loob ng 45 days na nag-stay kami sa Thailand. TEN YEARS IN THE BUSINESS. Although noong 1996 nagsimula ang hosting career ni Paolo, ikinukunsidera niyang 10 years pa lang siya sa karerang ito. Paliwanag niya, "Yun kasing first two years ko sa GMA Network, noong mag-host ako ng Game Plan ng Probe Productions ni Ms. Che-Che Lazaro, blocktimer lang ‘yon. Bata pa ako noon. Mas inuna ko ang pagtanggap ng raket, kasi four thousand lang ang suweldo ko noon, kaya madalas na hindi ako makarating on time sa taping. Kaya na-fire out ako. "But, doon na rin ako nakita ng GMA-7. Pinag-host nila ako ng Binibining Pilipinas, na siyang nagbukas sa akin para bigyan na ng trabaho ng network. And the rest is history." Ano na ang susunod niyang project sa GMA-7 since matatapos na ang Survivor Philippines at tapos na rin ang game show niya na Tok! Tok! Tok! Isang Milyong Pasok? "Wala pang finality ang second season ng Survivor Philippines," sabi ni Paolo. "But wala namang reason para hindi ibigay ulit sa GMA-7 ang season two nito. Naging maganda naman ang show, at ilang beses na itong nag-top sa rating ng primetime shows kahit late night na ito napapanood. Marami ring nabiling game shows ang GMA Network and, hopefully, isa roon ang ibigay nila sa akin. "Pero alam ba n'yo kung ano ang nami-miss ko? Ang showbiz-oriented talk show. Nang mag-guest nga kami ng castaways sa Family Feud ni Richard Gomez [Paolo's co-host in S-Files], nagkausap kami at gusto rin pala niyang magkaroon ulit ng showbiz-oriented talk show. Kasi pareho kaming tsismoso! Enjoy kasi yung tsikahan kapag nasa backstage kami noon nina Pia [Guanio] sa S-Files," lahad ng TV host. Bukod sa voice-over na ginagawa niya sa Survivor Philippines, ano pa ang pinagkakaabalahan niya? "May mga corporate shows ako, at saka ‘yong dalawang business na doing good naman—ang XINAPSE na involved kami sa software at ang XAGE Industry na puwede kaming mag-install ng softwares sa mga hotels or offices. May mga kasosyo ako rito kaya hindi ako masyadong hands-on sa trabaho dahil nga busy ako," saad ni Paolo. TURNING INTO A CHRISTIAN. Inamin ni Paolo na matagal din siyang na-depress nang mawalan siya ng trabaho. Pero nabago raw ang pananaw niya nang maging Christian siya, sa impluwensiya na rin ng kanyang girlfriend na si Abigail Cruz. Doon daw siya nag-pray na magkaroon muli ng breakthrough sa kanyang career. "That was June 24, 2007 nang maging Christian ako at marami talaga akong natutunan. I have a prayer group now na ilan sa mga uma-attend sina Rufa Mae Quinto, si LJ Moreno, at ilan pang taga-showbiz. "Once nga nag-attend si LJ, kasama niya iyong ibang participantes ng Pinoy Fear Factor. Yun, picture-picture din kami!" natatawang kuwento ni Paolo tungkol sa particpantes ng kalaban nilang programa, na hinu-host ng matalik niyang kaibigan na si Ryan Agoncillo. So, ano ang naging breakthrough sa kanyang prayers noon? "Ang Survivor Philippines," sagot ni Paolo. "Akala ko noon, ang sagot na ay ang Tok! Tok! Tok! at Whammy. Pero nang pumasok ang Survivor Philippines, mas malaki pa ang ibinigay Niya sa akin." - Philippine Entertainment Portal