Puna sa 'Tsokolate'
Hi, I am blogger myself and currently a member of KABLOGS STATION and an active supporters of Pinoy Expats Blog Awards where most of the OFWs around the world gather and interact in cyberspace. I would like to share a blog which is worthy of sharing among OFWs, so he may draw attention that he needed. His approach may sound like a reversed-psychology so his blog would be the main dish on the table. However, I would encourage all the readers to rather comment on this post (Pinoy Abroad). And I would like to share also a trivia to the writer (blogger) that Dr. Jose P. Rizal was an OFW himself during his time, you may read the book - Rizal’s Life. - Bizjoker TSOKOLATE Ni Mike Avenue Itinatanong ko kung bakit naging bayani ang isang OFW. Hindi agad siya makasagot. Ngumiti siya at iniabot ang mga tsokolateng may tatak na “Made in China" sa likod ng pakete. Ang mga tsokolateng ito sa kamay ko ang isa sa mga sagisag na siya’y kagagaling lamang sa ibang bansa – sa Canada. Naubos ang mga propesyonal dito. Halos lahat. Ang mga duktor na nagsunog ng kilay ng mahigit sampung taon, mas pinili ang maging nurse na assistant lamang ang ranggo sa abroad. Ang mga nurse naman na dapat ay dito magsisilbi sa bansa, mas ginusto pang mangibang bayan. Ang epekto nito? Bumaba ang antas ng industriya. Nagkasya kasi tayo sa mga second choice dahil ang mga de-kalibre, naroon at kasalukuyang minumura ng amo kapalit ng dolyar. Bayani ka bang tatawagin kung humahalik ka naman sa paa ng mga dayuhan? Labag yata iyan sa prinsipyo ni (Dr. Jose) Rizal. Baka bumangon si Rizal. Sayang ang mga talento na dapat sana’y sariling lupa ang nakikinabanag. Sayang ang mga pawis na sana’y didilig sa uhaw na mga kapatagan ng mamamayan. Sayang ang mga ugat na magdudugtong sana sa yaman at kaban ng bansa. Ikakatwiran na walang pag-asa rito. Mahirap ang buhay dito. O talagang mahilig lang ang iba sa “piso tamang barko." Meron din naman dito. Kaya lang, ang mga bagay na narito, ayaw naman natin. Para lang din sinabing “walang akong magawa." Marami ka naman pwedeng gawin. Kaya lang, itong mga bagay na available na gagawin mo, ayaw mong gawin, tinatamad kang gawin o may iba kang gustong gawin. Isa lang dahilan kung bakit nagpapaalipin sa ibang lahi ang mga Pinoy. PERA. Masasabi kong iyan ang nag-iisang dahilan. Kaya nga mas gusto pang gawing panginoon ang mga dayuhan para sa salapi. Hindi dahil sa kung ano pa man at sino pa man. Ang ibang dahilang maiisip mo, bagamat nasa estado ng pagsasakripisyo at pagpapakahirap, babagsak at babagsak din sa kategoryang pera ang dahilan. Hindi sila magpapaalipin sa ibang lahi dahil sa Pilipinas. Tinanggihan nga nila ang Pilipinas. Nawalan sila ng pag-asa sa Pilipinas. (At nakakapagtaka, ang bansang iniwan nila sa ere noon ay ang bansa ring tumatawag sa kanila na mga bagong bayani ngayon.) Ang dahilan ng pagtatrabaho ng isang OFW ay upang maiangat ang kabuhayan ng pamilya at sarili. Hindi dahil gustong maiambag ang sakripisyo sa bansa. Hindi upang magpakabayani. Walang ganoon. Dahil kung ganoon, pwede namang makatulong nang hindi umaalis. Ang totoo, lahat ay sa sariling motibo lamang nabubuhay. Gustong-gusto kasing maging Victoria’s Secret ang ginagamit na pabango ng asawa na dati’y White Flower lamang.

