Filtered by: Topstories
News
Honor guards sa libing ni Cory bibigyan ng parangal sa Senado
MANILA – Nais ng isang senador na parangalan ang apat na honor guards na tumayo ng mahigit walong oras sa tabi ng kabaong ni dating Pangulong Corazon “Cory" Aquino sa isinagawang funeral procession nitong Miyerkules. Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Sen. Pia Cayetano na maghahain siya ng resolusyon sa Lunes upang papurihan at bigyan ng pagkilala ang natatanging papel ng apat na honor guards mula sa iba’t-ibang sangay ng Armed Forces at Philippine National Police. “They quietly did their job. It may seem that a simple job, but I challenge anyone to try to stand for eight hours. It’s harder than walking, it’s harder than running, stand in one position for eight hours is a very tough job," ayon sa senador. Ang apat na honor guards ay kinilalang sina Police Officer 1 Danilo Maalab, Pfc. Antonio Cadiente, Airman 2nd Class Gener Laguindan, at Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez. Kasama sila ng mga labi ni Gng Aquino sa itaas ng isang 10-wheeler truck na bumiyahe mula sa Manila Cathedral hanggang Manila Memorial Park sa Paranaque kung saan ito inilibing katabi ang kabiyak na si dating Senador Benigno “Noynoy" Aquino III.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “I think they are role models, take pride in whatever job you have, you’re a desk clerk, a president of a company, take pride in what you do and do it well and did they job well and I will file a resolution commending them because it is symbolic of what people in public service should do. Whatever you job is do it well," pahayag ng senador. Sa kabila ng pagluluksa ng bansa sa pagpanaw ng dating pangulo, nakaagaw ng atensyon sa libu-libong tao na nagtiyagang mag-abang sa mga lansangan sa pagdaan ng funeral cortege ang apat na honor guards na kasamang nabasa ng ulan at hindi natinag sa kanilang pagkakatayo. Maging si Muntinglupa Rep. Rozanno Rufino Biazon, na kasamang naghintay ng pitong oras upang masilayan ang pagdaan ng funeral cortege ni Aquino ay humahanga sa ipinakitang desiplina ng apat na honor guards. “They literally stood up to the essence of being soldiers…disciplined, dedicated to duty and loyal to the Republic," ayon kay Biazon. I salute these men for the honor they gave President Cory." Nilinaw naman ni Cayetano na hindi lamang ang apat na honor guards ang papupurihan ng resolusyon, kundi maging ang lahat ng sundalo at pulis na nakilahok sa libing ng dating pangulo magmula sa burol nito sa De la Salle gymnasium sa Mandaluyong City, paglipat sa Manila Cathedral hanggang sa ilibing Manila Memorial Park. “For the soldiers who did their simple job but did it well, through rain and storm and all kinds, without food without rest, I think that was effort on their part which they did without need of attention, they did not speak, they did not call attention to themselves pero kapansin-pansin ang ginawa nila," ayon kay Cayetano. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular