Filtered by: Topstories
News
MTRCB, KBP magpupulong tungkol sa reklamo vs TV host
MANILA – Nagpahayag din ng pagkadismaya ang pinuno ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pagpuna ni television host Willie Revillame sa funeral procession ng yumaong si dating Pangulong Cory Aquino na ipinakita sa kanyang programa sa ABS-CBN. Sa panayam ni Sherrie-Ann Torres, sinabi ni MTRCB chairperson Ma. Consoliza Laguardia, na posibleng may mga patakaran na nilabag si Revillame nang ipatanggal nito sa kanyang noontime show ang inset na live video habang inililipat ang mga labi ni Gng Aquino mula sa La Salle Greenhills, patungong Manila Cathedral noong Agosto 3. “Yung personal kong tingin objectionable yung ginawa ni Willie. Kasi puwede niyang ginawa ‘yon off-cam… He violated Code of Ethics of the both broadcast code ng KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas)," paliwanag opisyal sa GMA primetime newscast na 24 Oras nitong Biyernes. “And then sa part ng MTRCB he violated Sec 3 of PD 1986, in being objectionable and contrary to good custom and tradition," idinagdag ni Laguardia. Sinabi sa ulat na hiniling ni Revillame na alisin ang inset na live video sa kanyang programa dahil nahihirapan siyang magsalita at magpasaya habang nakikita ang mga labi ng pumanaw na dating pangulo.
Yung personal kong tingin objectionable yung ginawa ni Willie. Kasi puwede niyang ginawa ‘yon off-cam… He violated Code of Ethics of the both broadcast code ng KBP 
– MTRCB Chair Consoliza Laguardia
Ngunit sa kabila nito, paksa ngayon ng usapan sa mga social networking site at maging sa ilang blogs ang naging pahayag ni Revillame. May mga humihiling sa MTRCB, pamunuan ng network at maging sa mga advertiser na parusahan ang host. Kabilang sa mga nais parusahan si Revillame ay ang National Press Club (NPC) at Alyansa ng mga Filipinong Manunulat o AFIMA. “Dapat mabigyan siya ng leksyon ngayon, iba na ‘to, ibang case na ‘to," ayon kay Gerry Yap, presidente ng AFIMA.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Kung hindi niya titigilan ang ganung attitude niya I don’t think dapat pa siyang panoorin ng tao," pahayag naman ni Benny Antiporda, presidente ng NPC. Sinabi sa ulat na nakatakda na umanong magpulong ang MTRCB at KBP tungkol sa mga reklamo kay Revillame. Kasamang ipatatawag sa pulong ang producer ng noontime show. “Minsan kasi ‘pag nandun ka na," sabay turo ni Laguardia sa itaas, “you know sa tugatog, minsan ano, mahirap din ang ganun…sana minsan makinig naman siya sa dapat n’yang pakinggan." Idinagdag sa ulat na sinikap ng GMA News na makuha ang panig ni Revillame at ABS-CBN ngunit wala pa umano silang pahayag tungkol sa kontrobersiya. Pero nakasaad sa artikulong lumabas sa pahayang Inquirer ang paghingi umano ng paumanhin si Revillame. Idinahilan niya na hindi magandang nakikita silang nagsasaya sa programa habang ipinapalabas ang video ng prusisyon sa mga labi ni Gng Aquino. Inalok din umano ng host sa oras ng kanyang programa para ipakita ng buo ang funeral procession subalit sinabihan siya na ituloy na lang ang kanyang show. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Tags: willierevillame, wowowee
More Videos
Most Popular