Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Harmony and hazards of working abroad


Episode on November 13, 2009 Friday night, after Saksi At the age of 83, Silverio Yaneza is probably the oldest OFW in Hong Kong today. Mang Berio flew to Hong Kong in 1949 to work as a musician for the Armed Forces. There were only a handful of Filipinos living in that part of Asia then. Now thousands of OFWs consider Hong Kong their second home. Although already retired from military service, Mang Berio is still active in the music scene. He plays regularly for a jazz bar. Meanwhile, more than 500 Filipinos are imprisoned all over the world for drug trafficking. Majority of them were working as drug mules for different syndicates. The most number of offenders were caught in China where some are awaiting death penalty. Karen Masong is currently detained at Ghuangzhou, China. She was pregnant when she got caught and gave birth behind bars. Reports say it was Karen's Nigerian boyfriend who forced her to transport the drugs from the Philippines . The Department of Foreign Affairs warns the public that syndicates have become more creative in trading drugs and using OFWs. Don't miss the harmony in Mang Berio's life the and hazards of working abroad this Friday on Kara David's OFW Diaries after Saksi on GMA 7.
Sa edad na 83, maituturing na isa sa pinakamatandang OFW na nanirahan sa Hong Kong si Silverio Yaneza. Taong 1949 nang mapadpad sa Hong Kong si Mange Berio para magtrabaho bilang musikero sa hukbong militar. Kaunti pa lang noon ang mga Pinoy na nagtatrabaho dito. Ngayon, retired na siya sa serbisyo pero nasa Hong Kong pa rin at regular na manunugtog sa jazz bar. Samantala, mahigit 500 Pilipino ang nakakulong ngayon sa iba't ibang bansa dahil sa kaso ng pagpupuslit ng droga. Sa China may pinakamaraming bilang ng mga Pinoy na nahulihan ng illegal na bitbitin. Ilan sa kanila nakapila na sa death penalty. Nakakulong ngayon sa Guangzhou, China si Karen Masong. Buntis siya noong pumasok siya sa rehas kaya dito na rin niya isinilang ang anak. Ayon sa report, ang kaniyang Nigerian boyfriend ang nagtulak kay Karen na dalhin ang droga sa China . Ayon sa PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency, nagiging modus operandi na ng mga sindikato ang mga OFW na pinagdadala ng droga patungong ibang bansa. Kaya binabalaan ng ahensya na mag-ingat para hindi mabiktima nito. Ang musika ng buhay ni Mang Berio at ang mga panganib na hinaharap ng mga bagong OFW, tutuklasin ni Kara David sa OFW Diaries ngayong Byernes pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.