Filtered by: Showbiz
Showbiz

iGMA: Susan Roces talks about GMA's first-ever ChristmasSerye


May handog na special series ang GMA 7 na naaangkop sa pagpahiwatig ng tunay na kahulugan ng Pasko. At sino pa ba ang nararapat manguna rito kung hindi ang Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Susan Roces. Sa pictorial ng first-ever Christmas series ng GMA Network kamakailan ng Sana Ngayong Pasko, nakapanayam ng press ang star ng ChristmasSerye na ito at balik-Kapuso na si Ms. Susan Roces. "I'm just as excited. Noong unang in-offer sa akin ito, nabigyan na ako ng background tungkol sa kung ano ang istorya at kung ano ang role ko," related Ms.Susan. "It's a very heartwarming story—it's about family and the importance of memories together with the family. This is a very timely Christmas offering. I feel very honored. Karangalan ko na makasali sa first ChristmasSerye ng GMA-7. December 7 na siya." At nang maibanggit namin na maraming fans ang excited na mapanood muli siya sa Kapuso network, sinuklian niya ito with her own excitement: "...para sa kanila at para din sa akin." A family reunion "Timely nga ang pagdating nitong serye na ito. Dahil kung ano ang ginagawa ng pamilya, kapag nagse-celebrate ng Pasko, ay siya rin gagawin noong araw na 'yon sa serye," declared Ms. Susan. "Katulad ng karamihan sa ating mga pamilya rito sa Pilipinas at sa buong mundo marahil. 'Yun ang araw ng reunion…reunion para sa mga magkakamag-anak na magkita-kita," she said. Pagpapatuloy pa niya, "Para sa mga apo na puntahan ang kanilang lola at magmano at mamasko. Gawing Pilipino. Ganun namin sine-celebrate ang Pasko." Para kay Ms. Susan, importante pa rin ang handaan tuwing Pasko. Kaya sinisigurado rin niya na sa sarili niyang mag-anak na personal pa rin niyang pinaghahandaan ito. "Ibinabagay mo iyan sa oras ng pagdating ng mga inaasan mong kamag-anak. Kung bata, siyempre ibinabagay mo ang mga putahe dun sa mga pagkain na gusto nila," she stated. "Pero siyempre, nakagawian na natin ang Pasko ay laging may hamon, may queso de bola, may bibingka, at puto bungbong." Remembering Da King Ngunit ang isa sa mga pinakaimportate kay Ms. Susan sa panahon ng Pasko ay ang pag-alala niya sa mahal niyang asawa, ang Hari ng Pelikulang Pilipino, na si Fernando Poe, Jr. who passed away last 2004. "Lagi naman 'yun. Tuwing sasapit ang kanyang [death] anniversary—that is December 14—ay dinadalaw namin siya," she explains. "Personal choice ko ay sa simbahan kung saan kami ikinasal. Pagkatapos dadalawin ko siya [sa cemetery]. Ganun lang, ganun lang ka-simple." At para naman sa mga fans ni Ms. Susan na hindi pa rin natitinag ang supporta sa kanya, simpleng mensahe ang kanyang ibinigay: "Maraming salamat sa napakagandang pagtanggap ninyong lahat sa akin. Karangalan ko." Ang iba pang makakasama ni Ms. Susan sa ChristmasSerye na ito ay sina Christopher de Leon, Gina Alajar, Maxene Magalona, JC de Vera, Ynna Asistio, at JC Tiuseco. Kaya gawing espesyal ang panahon na ito by watching Sana Ngayong Pasko starting December 7. - Erick Mataverde/ Nelson Canlas, iGMA
Tags: susanroces