Filtered by: Topstories
News
Boto ni Erap ‘di masosolo ni Villar
MANILA – Paghahatian nina Sens Manny Villar at Benigno “Noynoy" Aquino III ang boto para kay dating Pangulong Joseph Estrada sakaling umatras o madiskuwalipika ito sa darating na panguluhang halalan sa Mayo. Ito ay kung pagbabatayan ang resulta ng magkakaibang senaryo na ipinagawa ng kaalyado ni Villar sa pinakabagong survey ng Social Weather Station noong Disyembre 27-28, na may 2,100 respondents sa buong bansa. Nakasaad sa survey ng SWS na ipinagawa ni San Juan Rep. Ronaldo Zamora, na kung ngayon gagawin ang eleksiyon at kumpleto ang walong kandidatong pangulo, lilitaw na 11 porsiyento ang kalamangan ni Aquino (44%) laban kay Villar (33%). Pangatlo naman si Estrada (15%); at sumunod sina Gilberto “Gibo" Teodoro (5%); Eddie Villanueva (1%); Sen Richard Gordon (0.5%); Sen Jamby Madrigal (0.4%) at John Carlos “JC" De Los Reyes (0.4%). Ngunit sa senaryong hindi na tumakbo si Estrada at “ipaagaw" ang kanyang 15 porsiyentong rating, lumitaw na 49 porsiyento ang mapupunta kay Aquino (nadagdagan ng 5%), habang 38 porsiyento naman kay Villar (tumaas din ng 5%). Ang nalalabing limang porsiyento ni Estrada ay nahati na sa ibang kandidato kabilang ang pagtaas ng isang porsiyento nina Teodoro (6%), Villanueva at Madrigal. Ngunit sa senaryong sina Villar at Aquino lamang ang pagpipilian ng mga botante, mas lumiit sa walong puntos ang kalamangan ni Aquino (52%) laban kay Villar (44%). Hinihinala ng ilang political observer na malilipat kay Villar ang boto ni Estrada kapag umatras sa panguluhang halalan ang huli dahil parehong sa "masa" ang malaking bulto ng kanilang tagasuporta.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Tuloy si Erap Kahit nakasentro ang atensiyon ngayon ng publiko sa bangayan nina Villar at Aquino, idineklara ni Estrada na wala siyang balak umatras sa panguluhang halalan kahit may disqualification case na nakahain sa Commission on Elections laban sa kanya. Ayon sa pinatalsik na pangulo noong 2001 EDSA People Power revolt, wala sa bokabularyo niya ang umaatras sa laban kaya tatapusin niya ang halalan sa Mayo. Tinawag niyang “black propaganda" lamang ng ibang kandidato ang kumakalat na balita na aatras siya sa laban dahil masasayang lamang ang boto para sa kanya kapag diniskuwalipika ng Comelec. Kumpiyansa si Estrada na papayagan siya ng korte na tumakbo muli at ito lang umano ang paraan upang mabayaran niya ang utang na loob sa mga Pilipino na patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng kanyang pagkakakulong sa kasong pandarambong. Iginiit ni Estrada na hindi niya natapos ang kanyang anim na taong termino dahil sa nangyaring EDSA Dos revolution kaya puwede muli siyang tumakbo sa posisyon ng pangulo. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular