Filtered by: Showbiz
Showbiz

PEP: Jennylyn Mercado explains Internet photos of her getting a tattoo


Hindi pa natatapos ang linggong ito nang lumabas sa ilang Internet sites ang mga litrato ni Jennylyn Mercado na nagpapa-tattoo. Sa mga litratong lumabas sa dalawang adult websites, ipinapakitang nakaupo ang actress-singer at nakatalikod sa tattoo artist, na napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Carlo Gabiana, isang kilalang professional tattoo artist from Cebu. Musical symbol na G-clef ang naka-tattoo sa lower left side ng likod ni Jen. Agad na kinontak ng PEP si Jennylyn through her manager na si Becky Aguila at nagtanong tungkol sa mga litratong ito. Sagot ni Jen through her manager, matagal na raw siyang may tattoo. Kasama pa raw niya ang kanyang mga uncle, auntie at mga pinsan nang magpa-retouch nga siya ng kanyang tattoo. "A, siguro na-grab sa Facebook ng cousin ko... Wala yun. Mga cousin ko nagta-tattoo sa Cebu. Nasa Plantation Bay kami," sagot pa ni Jen through Becky Aguila's text messages. Dagdag pa ni Jennylyn, "Five years ago yung orig na tattoo ko... Musical symbol. G-clef na may mga notes at guitar." Obvious na ang pagiging musician ng Working Girls star ang gustong ipahiwatig ng tattoo niya. Isa pang photo ni Jennylyn ang kumakalat ngayon. Ito ay ang litrato nila ni Dennis Trillo na magka-holding hands. Kuha raw ang naturang litrato sa Hong Kong last Holy Week, pero wala pang kumpirmasyon ang aktres tungkol dito. Si Dennis ang leading man ni Jennylyn sa afternoon soap na Gumapang Ka Sa Lusak. FAKE JENNYLYN ACCOUNT. Samantala, sa pakikipag-usap ng personal ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn sa nakaraang MYX Music Awards 2010, ipinaalam nito sa kanyang mga fans na wala siyang Twitter account at hindi na rin siya active gaano sa Facebook. "Hindi ako yun," ani Jen tungkol sa pekeng Jennylyn Mercado Twitter account. "Baka fan." Tungkol naman sa kanyang Facebook account, "Ang dami kasing account na Jennylyn dun. Hindi na po ako active sa Facebook," banggit pa ni Jennylyn. SHOULD HAVE BEEN IN SIGWA. Kinumusta rin ng PEP kay Jen ang tungkol naman sa naudlot na paglabas niya sana sa Sigwa ni Joel Lamangan. "Excited kaming gawin yung pelikula na yun. But malas lang, nagkaroon ng conflict sa schedule. T-Th-S [Tuesday, Thursday and Saturday] yung taping ko [for Gumapang Ka Sa Lusak], 'tapos naging T-Th-S din yung movie. So hindi talaga puwede," paliwanag ni Jen. Kung sakali, handa pa naman daw si Jen sa grabeng physical demands ng role niya dapat sa movie. Batang version ni Gina Alajar ang role niya sana sa Sigwa. Isa siyang estudyanteng aktibista na mahuhuli ng militar at pahihirapan para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga kasamahan niyang aktibista. Kay Lovi Poe napunta ang role. "Okey lang sa akin, yun. Walang problema sa akin yun. Trabaho ko naman yun, e," sabi ni Jennylyn. Tsansa na rin daw sana yun ni Jen na makatrabahong muli ang isa sa mga paborito niyang direktor, si Joel Lamangan. "Third time na sana namin yun." Naging direktor ni Jen si Direk Joel sa So Happy Together (2004) at Blue Moon (2006). Siya rin ang direktor ng actress-singer sa mga TV soap na Paano Ba ang Mangarap? (2009) ay Ikaw Sana (2009). - Rommel R. Llanes,PEP