Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

"Gayuma, Sanib, Kulam atbp!"


Episode on October 10, 2010 Sunday 9:15 AM
Photobucket
AHA-haaaayyyy!!! NANDIYAN NA SILA…NANDIYAN NA SILAAA!!! (GAYUMA…SANIB…KULAM, ATBP!!! / OCT. 10, 2010)
PhotobucketPhotobucket GAYUMA-MAKERS…NAGKALAT NA!!! PhotobucketPhotobucket Ang eksena: Uhaw-na-uhaw ka na kaya’t tinanggap mo ang cold drink na inalok sa’yo ng matagal mo nang manliligaw. Lagok…lagok..lagok…then suddenly biglang naging Aljur Abrenica na ang tingin mo sa manliligaw mo at agad mong sinagot ng matamis na OO! Hala!!! Ginayuma ka na! Pero totoo nga ba ito? AHA-lamin mismo sa mga taong nanggayuma, ginayuma, gumagawa ng gayuma at sa mga eksperto ng siyensya! PhotobucketPhotobucket MANGKUKULAM ON THE LOOSE! Marami ka ba’ng inatraso? Mahilig ka ba mang-agrabyado ng kapwa mo? Puwes, ingat ka…dahil posibleng ikaw na ang next target ng mangkukulam!!! Sinasabing noong araw pa raw uso ang kuwentong ito pero sino itong tao na umaming siya’y isang mangkukulam at tila handa pa yatang magsagawa ng kulam sa harap ng camera ng AHA??? Ang sagot ng siyensya tungkol rito…AHA-bangan n’yo! PhotobucketPhotobucket MASAMANG ESPIRITU…LUMAYAS KA!!! Kitang-kita sa video na aming nakuha kung paano manlisik ang mga mata, mag-iba ang boses at maglupasay na tila nawawala sa katinuan ang taong sinasaniban! Kung akala mo na sa pelikula lang nagaganap ang pagsanib ng masamang espiritu sa katawan ng tao…well, manood ng AHA! dahil ang mga tunay na kuwento at paliwanag tungkol sa Exorcism mula mismo sa mga Exorcists at eksperto… mapapanood ngayong Linggo.
HUWAG PA-BIKTIMA… MANOOD NA NG… AHA! 9:15am /Linggo With Drew Arellano