Pumanaw na ang veteran actress-comedienne na si Metring David sa edad na 90 sa kanyang tahanan, ayon sa
Chika Minute ng GMA news
24 Oras nitong Biyernes. Ayon sa ulat, dinala sa pagamutan nooong Abril si David dahil sa sakit na emphysema. Pumanaw siya nitong Huwebes sa kanyang tahanan. Kabilang sa mga pelikula na nagawa ni David ay ang
Galawgaw at
Babaeng Kalbo, kasama ang pumanaw na ring si Nida Blanca. Ma-miss umano ng mga apo ang kanilang mapagmahal na lola. Wala pang itinakdang araw sa labing ni David, pero nakalagak ang kanyang mga labi sa Henry Funeral Homes sa La Loma, Quezon City. –
FRJimenez, GMANews.TV