Filtered by: Showbiz
Showbiz
Ogie Alcasid proud of 'ukay-ukay' project for classroom construction

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sofa to go Nang tanungin kung ano ang ipamimigay nilang mag-asawa, sinabi ni Ogie na nabanggit ni Regine na idodonate nila ang kanilang sofa. “Parang nabanggit yata ni Regine yung sofa isasama, saan ko na kaya papaupuin yung mga bisita ko?" nangingiting pahayag ni Ogie. Ipasusubasta rin umano ni Regine ang gown na isinuot nito sa ilang show at ang suit naman ang ibibigay ni Ogie. “’Wag lang mga pants ko, maiigsi, walang bibili nun," pagbibiro niya. Pinag-iisipan umano ni Ogie na idonate ang isa niyang keyboard at ilan sa kanyang mga kinolektang laruan. Kabilang sa mga koleksiyon ng laruan ni Ogie ay Voltez V at Star Wars. “I’m really thinking of donating yung isang keyboard ko, kaya lang sana magkaroon ng magandang price kasi maraming kanta ako na nagawa doon," ayon kay Ogie. Iniinganyo rin umano ni Ogie ang kanyang kaibigan na si Michael V na magdonate ng mga koleksiyon nitong laruan. Tall order but possible Batid ni Ogie na malaking halaga ang kakailanganin para maipatupad ang layunin ng GMA Kapuso Foundation na makapagtayo ng 50 silid-aralan bawat taon, na may kabuang pondo na P35 milyon. Sa pamamagitan ng proyekto ng mag-asawang Alcasid, inaasahan na makakalikha rin ito ng awareness sa iba pang organisasyon at mga indibidwal, at mahikayat na tumulong sa layunin ng foundation na makatulong sa pag-aaral ng mga bata. Sinabi ni Ogie na napakahalaga sa mga kabataan ang edukasyon pero marami ang hindi nakapag-aaral dahil sa kakulangan ng silid-aralan. Aniya, kung nagawa ng karaniwang mamamayan na si Efren Penaflorida ang makatulong sa pagpapalaganap ng edukasyon sa mga kabataan sa pamamagitan ng kariton, naniniwala si Ogie na kaya rin itong gawin ng mga katulad niyang nasa industriya ng entertainment. - Fidel R Jimenez, GMA News
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular