Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

"Foodarama, Biyaya ng Dagta, Giant Balloon Sculptures, Celebrity Professors"


Episode on June 11, 2011 Saturday after Spooky Nights! Foodarama
Photobucket
Food can be more appetizing if it has unique visual appeal. That’s why some masters of the kitchen decided to produce accessories like edible necklaces and bracelets, scenic landscapes made out of vegetables, and pastries in different shapes and designs which can also be used for display! Biyaya ng Dagta
Photobucket
Some trees are not only valued for their fruits, but for their sap or “dagta" as well! Like the sap extracted from the Pili trees in Sorsogon, which is being used as an ingredient for an expensive facial cream. And the sap or “dagta" from the rubber trees in Zambaonga which is being used for the production of car tires! Up, Up and Away!
Photobucket
Before the modern consoles and the high tech toys invaded our children’s playtime, balloons were enough to put a smile on the kids’ faces. And what used to be just a simple toy has gone really far today! There’s already a parade of giant balloon sculptures with different designs. Find out what other uses balloons have in our modern times, and the risks or hazards they also bring. Idol ko si Sir, Idol ko si Mam!
Photobucket
We often see them on television or in the movies. But when they’re not on taping or they don’t have a scheduled shoot, they can be found teaching inside the classroom! They are Celebrity Teachers! And this Saturday, one Journalism class in college will have a special instructor --- Ms. Jessica Soho! Mt. Pinatubo: 20 Years After
Photobucket
With Mt. Pinatubo ’s eruption back in 1991, dreams turned into ashes and lives were taken by the lahar. After 20 years, how did this tragedy transform into something beneficial for the people?
Foodarama May mga pagkaing mas masarap lantakan kung pambihira ang hitsura. Kaya ang ilang master sa kusina, gumawa ng accessories tulad ng kuwintas at porselas na puwedeng nguya-nguyain, magagandang tanawin o landscape na puwede ring ipanggulay, at pastry na may iba’t ibang hugis at disenyo na puwede ring ipang-display! Biyaya ng Dagta Hindi lahat ng puno, prutas lang nila ang pakinabang. May ilan, pati na rin ang kanilang pulot o dagta! Tulad ng pulot ng mga puno ng pili sa Sorsogon na ginagamit na sangkap ng isang mamahaling brand ng facial cream. Ang dagta naman ng mga rubber tree mula sa Zamboanga, ginagamit sa paggawa ng gulong ng sasakyan! Up Up and Away! Bago pa man dumating ang mga console at iba’t-ibang high tech na laruan, ang nagpapangiti sa mga bata noon --- mga lobo! Pero ang simpleng laruang ito, malayo na rin ang nalipad! May parada na ngayon ng mga higanteng balloon sculpture na may iba-ibang disenyo. Sa panahon ngayon, ano pa nga ba ang ibang pakinabang ng mga lobo, pati na rin ang peligrong pwedeng maihatid nito? Idol ko si Sir, Idol ko si Mam! Nakikita lang natin sila sa telebisyon o di kaya sa pelikula. Pero kapag walang taping o shooting, nagtuturo sila sa mga eskwelahan! Mga celebrity teachers! At ngayong Sabado, isang Journalism class sa kolehiyo ang magkakaroon ng espesyal na guro --- si Ms. Jessica Soho! Mt. Pinatubo: 20 Years After Sa pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991, maraming mga pangarap ang naabo at mga buhay na inanod ng lahar. Makalipas ang dalawampung taon, paano nga bang ang nasabing trahedya, pinag-isipan ng iba para kahit paano’y maging grasya?