Filtered by: Topstories
News

Lalaki sa Palawan, hinihinalang nilapa ng buwaya


Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Palawan na puro sugat ang katawan at nawawala ang isang paa. Ang biktima ay hinihinalang inatake ng buwaya. Sa ulat ng dzBB radio Palawan, sinabing nakita ang mga labi ng biktima nitong Miyerkules ng umaga. Marami itong sugat sa katawan at nawawala ang kaliwang paa. May mga marka umano ng kagat sa katawan ng biktima, partikular sa bahaging kili-kili, ayon pa sa ulat. Ang hindi pinangalanang biktima ay sinasabing umalis ng kanyang bahay sa Brgy Rio Tuba sa bayan ng Bataraza, Palawan noong madaling-araw ng Martes. Sinabi sa ulat na malaki ang hinala ng mga kamag-anak ng biktima na buwaya ang pumatay dito. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso at hinahanap na rin ang hayop na maaaring pumatay sa biktima. – GMA News

LOADING CONTENT