Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Happinoys
Episode on April 3, 2008 Thursday late night after Saksi Are we still happy? According to several studies, Filipinos are among the happiest people in the world. In the 2005 World Values Survey, a private organization that evaluates the level of happiness of people from different countries, the Philippines placed 6th, edging out 1st world countries, including the United States, Australia, and even Japan! To top it all off, we were ranked as the happiest nation in Asia! What is it that really makes Filipinos happy? And are we really a happy country? 100% Pinoy does its own survey to find out if the survey results remain true today. Happy or forgetful? Disasters and tragedies have always been part of Philippine history. From typhoons to flashfloods, landslides and earthquakes – they have been but normal occurrences to ordinary Filipinos. However, despite these problems and calamities, Juan dela Cruz still somehow manages to smile. We even make jokes about it, especially on political issues! 100% Pinoy follows the story of a poor family who, despite their destitute situation, can still laugh about their problems in life. Are we really a happy bunch or just stricken with selective memory? Who else is happy? For the hundreds of families applying for migration, leaving the country is the hardest decision that they would ever make. Close relatives and friends will be left behind, and the comfort that they have here will be gone. If the likes of Jim Paredes, who is very successful in his field as a musician, decides to leave the country, what choice do ordinary Filipinos have? What pushes the supposedly Happinoys to migrate and find satisfaction in another land? Hosts Miriam Quiambao and Joaquin Valdez look into the lives of the remaining Happinoys – from Bb. Pilipinas World Janina San Miguel, famous actor/impersonator Willie Nepomuceno, to personalities in Philippine politics.
Masaya pa nga ba? Kung ang ilang pag-aaral ang pagbabasehan, isa ang mga Pinoy sa pinakamasayang lahi sa mundo. Batay sa isang pag-aaral ng World Values Survey, isang pribadong organisasyon na sumusukat sa antas ng pinakamasasayang tao sa buong mundo, pang anim ang mga Pilipino sa pinakamasayang tao noong 2005. Mas mataas pa ang bilang ng masasayang Pilipino kung ikukumpara sa Estados Unidos, Australia, at maging sa Japan. Sa katunayan, ang Pilipinas ang pinakamataas na Asyanong bansa sa listahan ng taong iyon. Pero ano nga ba ang nagpapasaya sa mga Pilipino? At masaya pa nga ba talaga ang mga Pilipino ngayon? Nagsagawa ng sariling survey ang 100% Pinoy upang alamin kung may katotohanan pa ang resultang ito. Kumusta na nga ba ang antas ng mga “Happinoy" sa Pilipinas? Masaya ba o madaling makalimot? Hindi na bago ang mga trahedya sa Pilipinas. Mula sa hagupit ng mga bagyo, pananalasa ng baha, sunud - sunod na landslide, at malalakas na lindol – tila pangkaraniwang eksena na ang lahat ng ito sa mga ordinaryong Pilipino. Pero bakit sa kabila ng mga problemang ito, nagagawa pa ring ngumiti ni Juan dela Cruz? At kung minsan, nagagawa pa nating magbiro o gawing biro ang mga kalunus-lunos na trahedya at pati mga isyu at kontrobersya sa pulitika! Susundan ng 100% Pinoy ang kuwento ng isang pamilyang nasasadlak sa matinding kahirapan pero nagagawa pa ring tawanan ang kanilang mga problema sa buhay. Masaya nga ba ang mga Pinoy o sadyang makakalimutin lang? Sino pa ang masaya? Hindi madali para sa mga nagma-migrate na Pilipino ang lisanin ang sariling bayan, lalo pa’t nandito ang karamihan sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan. Pero dahil sa sunud-sunod na pangyayari sa kanilang mga personal na buhay at sa lipunan, napipilitan silang mangibang bansa at doon na manirahan. Kung ang mga gaya ni Jim Paredes, na matagumpay sa kaniyang propesyon, ay nagdesisyong umalis ng bansa, paano pa ang mga ordinaryong Pilipinong araw-araw humaharap sa hirap ng buhay? Ano nga ba ang sukdulan para sa mga Happinoy kaya marami sa kanila’y iniiwan na ang Pilipinas? Samahan sina Miriam Quiambao at Joaquin Valdes kilalanin ang natitira pang mga Happinoy – mula kina Binibining Pilipinas World Janina San Miguel, komedyanteng si Willie Nepomuceno, pati ang ilang mga personalidad sa pulitika at gobyerno.

More Videos
Most Popular